In life, there are times that you have to face tough decisions, either you make it or break it.
But do remember whichever way you go, there are NO wrong decisions in life, it's for you to make it right.
In a far-flung place, a God-fairy, in disguise of an old poor woman, was stuck up in a mud habang buhat-buhat sa kanyang likuran ang isang malaking plastic bag. Pepe, who happens to be in her behind rushing just to catch the last trip of the bus going back to Manila, saw how the old woman tries to pull her leg out from the mud. Hindi matiis ni Pepe na makitang nahihirapan ang matanda kaya kanya itong tinulungan kahit alam niya na maiiwan siya ng bus. Makalipas ang ilang minuto, naalis ang pagkalubog ng binti ng matanda at laking pasasalamat niya kay Pepe.
Bilang kabayaran, the old woman gave Pepe one seemingly rare seed. " Kunin mo ito at itanim mo sa isang paso", said the old woman.
Pepe, still puzzled why he was given the seed, open his arm and received the seed from the old woman.
" Alagaan mo at patubuin iyan sa labas ng iyong bakuran… Diligan mo araw-araw ng mainit na tubig..Pag lumabas na ang mga dahon, ipasok mo sa loob ng bahay sa umaga at ilalabas mo lang sa iyong bakuran sa gabi. HUWAG na HUWAG hahawakan ng sinuman ang dahon nito at huwag pipitasin kung ito'y mamumulaklak dahil WALANG KATIYAKAN kong ito'y mabubuhay pa rin o tuluyang mawawala sa iyo"
Pepe, still wondering what the seed will do in his life, walks away taking the seed in his hand.
When he reached his house, he immediately plant the seed in a pot with a nourishing sands. Then, inilabas niya ito dahil gabi na...
Kinabukasan, laking gulat niya ng makita ang halamang tumubo ng halos isang talampakan ang haba. Malusog ang mga dahon nitong kulay luntian at ang tangkay nito ay sinlaki na ng kanyang hintuturo sa kamay. Sadyang kaakit-akit ang mga kislap ng dahon dahil sa sinag ng araw. Agad-agad niya itong ipinasok sa bahay at diniligan. Naalala niya ang bilin ng matanda na pag hinawakan niya ang anumang parte nito, walang katiyakan kong ito ba ay mabubuhay o mamamatay.
Halos araw-araw niyang inalagaan ang halaman hanggang sa mamulaklak ito. Laking gulat ni Pepe sa nakita niya isang umaga. Kakaibang bulaklak na ngayong lang niya nakita sa buong buhay. Hugis daliri ng isang dalaga ang petals nito at sa gitna ay tila mga butil ng perlas na nagkikislapan. Natukso siya at muntik na niyang mahawakan pero biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi ng matanda… Napilitan siyang tingnan na lang ang bulaklak habang ipinapasok niya ito sa loob.
Tuwing gabi, gaya ng bilin ng matanda, inilalabas niya ito at hindi maiwasan mapansin ng kanyang mga kapitbahay ang kakaibang halamang iyon..
Isang gabi, habang nasa labas ang halaman, nakarinig si Pepe ng kaluskos malapit doon sa kung saan niya nilagay ang halaman.. Dali dali siyang lumabas at nakita niya ang isang estranghero na hawak-hawak ang bulaklak. Laking gulat niya at sinigawan ang estranghero at mabilis itong tumakbo papalayo…
Labis ang pag-alala ni Pepe na baka mamatay ang bulaklak dahil sa nahawakan ito ng tao. Halos gabi-gabi nyang binabantayan ito at napansin niya na sa halip na mamatay ang bulaklak, patuloy itong yumayabong at kumikislap lalo na ang petals ng bulaklak.
Isang umaga, pag gising niya laking gulat niya ng may nakita siyang sugat sa kanyang katawan. Isang sugat na hindi niya alam kung ano ang nangyari. Kanyang pinasuri sa isang doctor at doon niya nalaman walang gamot sa sugat niya. Alalang-alala siya habang naghahanap ng lunas para magamot ang sugat pero bigo siya.
Sa kanyang panaginip, biglang nagpakita sa kanya ang matandang nagbigay ng halaman. Sinabi nito na tanging ang mga tila butil ng perlas sa halaman ang siyang mabisang gamot sa kanyang sugat. Tinanong niya ang matanda kung paano niya gagawin dahil hindi puwdeng hawakan ang halaman dahil walang katiyakan kung ito'y mabubuhay pa rin o tuluyang mawawala sa kanya. Walang sinagot ang matanda at bigla itong naglaho sa kanyang panaginip..
Napagdesisyunan nyang hawakan ang bulaklak na pinakaingat-ingatan nya. Inisip na lang nya na ginawa nya ito para sa sarili nyang kaligtasan. Para malunasan ang sugat na kanyang nararamadaman. Ito lang ang tanging paraan makapag patuloy sya sa buhay nya. Wala naman syang pangako na binitawan at walang kundisyon na dapat ingatan.