Sunday, November 16, 2008

ALING LANDAS KAYA?


"May mga bagay na nagbago sa ating paglalakbay
Dating sigla at ligaya napawi ng lumbay
Tumayong nagiisa hinihintay ang wakas
Dito sa masukal na gubat.."

Hindi perpekto ang buhay kung puno ng saya’t tagumpay. Sadyang binigyan tayo ng pakiramdam para malaman natin ang kaibahan ng lungkot sa saya, gayundin ang pagkabigo sa tagumpay.

Kadalasan, ang sobra ay nagiging sanhi ng pagkakaiba ng agwat sa bawat paghahambing ng magkasalungat na bagay. Ika nga, perfection may lead to frustration.

The happiness that you get in your life may turn you upside down when you suddenly feel the burden of your problems once they come your way unexpectedly. Ang iba tawag nila dito ay ang malaking dagok sa buhay na pagnalampasan mo ay magbibigay sayo ng lakas para harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Pero pag naging mahina ka at bigla kang sumuko, malamang ikapahahamak mo at tuluyan kang malugmok sa kalungkutan.

Ang pag harap sa suliranin ay kailangan mong mamili ng daan para masigurado mong may ilaw sa dulo nito. Minsan ang daan ay sanga-sanga, pero pag tama ang landas and the strength which you get from people who care and the support of the people who undestand you, madaling tukuyin kung anong landas ang iyong tatahakin.

Ang suliranin ay kayang suungin at lampasan baon ang mga panalangin at supporta ng mga taong nagmamahal na siyang maging tungkod sa lubak na daan o di kaya’y maging panangga sa unos na maaaring ikabagal ng pagtawid sa sangang-daan. Sa kabilang dako, kung mag-isa ka lang na tatawid sa daan baon ang FRUSTRATIONS, SAKIT NG KALOOBAN at KAWALAN NG PAG-ASA dahil sa hinubaran ka ng dignidad at respeto, magiging mabagal ang usad ng iyong mga paa upang pumili at tawirin ang alin man sa magkasangang daan.



"..Alam mong bawat pusong naglalakbay dumarating sa sangang-daan
kailangang magpasya…. aling landas ang susundin..
saan ka liligaya
saan mabibigo
saan ka tutungo..