Wednesday, December 17, 2008
Lantern Parade@ U.P.
December 17, 2008 - Maaga pa lang nasa UP Campus na kami para manood ng Lantern Parade ngayong taon. Eksaktong alas dos ng hapon, kasama ko ang mother ko at pamangkin, nasa loob na kami ng campus.
Dahil sa maaga pa sa akdang oras ng Lantern Parade,nagikot-ikot muna kami sa loob nito para makita kung ano ang pinagbago nito ng mga nakaraang taon.
Dati may UP Ikot at UP Toki, pero dahil sa ginawang jogging lane ang isang bahagi ng kalsada sa loob, nawala na ang UP Toki at naging one-way na lang ang mga dumadaang sasakyan.
The Lantern Parade is the most colorful activity in the centennial celebration of the school this year.
Dinagsa ang naturang kaganapan dahil na rin sa naging partisipasyon ng halos lahat ng UP sa buong bansa - ang UP Pampanga, UP Visayas, UP Manila, UP Los Banos, UP Mindanao at ang UP Diliman.
Ngsimula ang parada bandang alas singko ng hapon at tumatagal hanggang alas diyes ng gabi sa dami ng mga floats at lanterns na nag mula pa sa iba't ibang departmento at kolehiyo ng Unibersidad.